Tugade pinagbibitiw ni Trillanes dahil wala raw itong nagawa.

Loading...

Pinalalayas na ni Senador Antonio Trillanes IV si Transportation Secretary Arthur Tugade sa puwesto.

Bunsod ito ng umano’y kapalpakan ng Department of Transportation (DOTr), kasama ng
pangasiwaan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong sumadsad ang eroplano ng Xiamen Air noong nakaraang linggo.

Ayon kay Trillanes, hindi dapat inabot ng halos 40 oras ang pagtatanggal ng naaksidenteng eroplano mula sa runway kung inatupag noon pa ang paghahanda sa ganitong insidente.

Karaniwan naman umano sa mga paliparan sa buong mundo ang pagsadsad ng eroplano at katulad na mga insidente pero hindi natatagalan ang muling pagbubukas ng paliparan dahil may kagamitan at contingency plan ang transportation officials.

Bukod sa aberya sa NAIA, sinabi ni Trillanes na walang maipagmamalaking nagawa sa kaniyang tanggapan si Tugade bagaman higit dalawang taon na sa puwesto.

Pinuna na hindi natupad ang pangako ng DOTr na paluluwagin ang trapiko sa Metro Manila.

Pinuna ring hindi pa naisasaayos ang operasyon ng MRT-3.

“Wala akong nakikitang magandang output sa opisina ni Tugade. Binigyan na natin ng enough space. Lagpas na ang dalawang taon (na kanilang hiningi),” sabi ni Trillanes.

source:abante
Loading...

No comments

Powered by Blogger.